^

Bansa

Bodyguard ni Rosebud sinibak

-
Sinibak kahapon sa kanyang puwesto ang chief security na itinalaga ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) para mangalaga sa seguridad ng kontrobersiyal na dating PNP Narcotics agent na si Mary Ong alyas Rosebud matapos matuklasang ito umano ang nagpapadala ng death threat sa huli.

Ayon kay Rosebud, mismong si Staff Sgt. Vivencio Hapa ng Phil. Navy ang nagpapadala sa kanya ng text messages na nananakot.

Si Hapa ay team leader ng kanyang close-in security at palagiang nakadikit sa lahat ng kanyang mga lakad.

Malaki ang kutob ni Rosebud na ang ginagawang pananakot sa kanya ni Hapa ay para umalis ito sa pangangalaga ng ISAFP.

Nagkasunud-sunod umano ang natanggap na text messages ni Ong na puro pananakot na may mangyayari sa kanyang masama at sa ginawang imbestigasyon ay dito natuklasang ito ay nagmula kay Hapa.

Si Rosebud ang pangunahing testigo ng pamahaalan laban sa umano’y mga iligal na aktibidades ni Sen. Panfilo Lacson na kasalukuyang kinakanlong ng ISAFP. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

AYON

HAPA

INTELLIGENCE SERVICE OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

MARY ONG

PANFILO LACSON

SI HAPA

SI ROSEBUD

STAFF SGT

VIVENCIO HAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with