^

Bansa

News briefing sa Palasyo balik na uli

-
Ibinalik na ng Malacañang ang regular na news briefing ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye sa media pero pinanatili pa rin ang news blackout sa isyu ng kalagayan ng bihag na si Angelo dela Cruz sa Iraq.

Halos isang linggo ring ipinatupad ang news blackout sa isyu ni dela Cruz at kinansela ang news briefing. Tikom din ang Palasyo sa mga banat at batikos ng mga kaalyadong bansa.

Pero umalma ang Malacañang Press Corps kamakalawa dahil pati mga mahahalagang isyu ay hindi na matalakay.

Kaya kahapon ay humarap na uli sa media si Bunye pero bago nagsimula ang briefing ay nilinaw nito na nananatili pa rin ang news blackout sa isyu ni dela Cruz at klinaro rin na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang ahensiyang nangangasiwa ng impormasyon tungkol kay dela Cruz.

Sinabi ni Bunye na kailangang unawain ng media ang posisyon ng gobyerno para sa ligtas na paglaya ni Angelo.

Una nang nasermunan sina special envoy to Middle East Roy Cimatu at PNP chief Gen. Hermogenes Ebdane dahil nagsalita ang mga ito tungkol sa krisis.

Bagama’t hindi nakakasama ang mga binitawang salita ng mga ito ay hindi pa rin anya sila dapat nagsalita. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANGELO

BUNYE

CRUZ

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

HERMOGENES EBDANE

LILIA TOLENTINO

MALACA

MIDDLE EAST ROY CIMATU

PRESIDENTIAL SPOKESMAN IGNACIO BUNYE

PRESS CORPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with