Sa isang press statement na ipinalabas ng US Embassy, hinihingian nito ng paliwanag ang Malacañang sa pagpayag nitong pauwiin ang tropang Pinoy.
Iginiit ng US na "wrong timing" ang ginawang hakbang ng pamahalaan kung saan sinisimulan pa lamang ng bagong gobyerno ng Iraq ang paglaban sa terorismo ay "bumigay naman anila ang Phil. govt sa mga terorista.
"We believe that a decision by the Philippine government to withdraw their 51 troops ahead of August 20 scheduled expiration on their mission would just send a very wrong signal to the terrorist," ani White House spokesman Scott McCellan sa statement.
Hindi rin natuwa ang Australia at hindi anya dapat bumigay ang Pilipinas sa demand ng terorista. Kinukumbinsi ng Australia na baguhin ang pasya nito. (Ulat nina Lilia Tolentino/Ellen Fernando)