^

Bansa

Korte sa loob ng sasakyan ikakalat ng DOJ sa probinsiya

-
Hindi na problema ngayon ang kawalan ng mga korte sa mga malalayong lugar upang maresolba ang mga kaso matapos ihayag kahapon ng Department of Justice ang pagbuo ng mga "mobile courts" o isang korte sa loob ng malaking sasakyan.

Ayon kay DOJ acting Sec. Merceditas Gutierrez, binubuo na ngayon ang isang komite na siyang gagawa ng mga patakaran ng programang "Justice on Wheel".

Ayon sa kalihim, gagawing isang maliit na korte ang isang van o truck na kumpleto ng mga kagamitan, suplay at maging mga tauhan tulad ng clerical staff, opisyal at maging mga hukom na siyang hahawak ng mga nabibinbing kaso.

Ipapadala umano ang naturang mga "mobile courts’ sa mga malalayong lugar na walang korte upang hindi na mahirapan ang mga abogado sa pagbiyahe, mabawasan ang mga nakabinbing kaso at maengganyo ang mga tao na magsampa ng kaso. (Ulat ni Danilo Garcia)

AYON

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF JUSTICE

IPAPADALA

ISANG

KASO

MERCEDITAS GUTIERREZ

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with