Mismong si Speaker Jose de Venecia na isa sa mga nagsusulong ng Cha-cha ang magpapanukala kay Pangulong Arroyo na itigil muna ang pag-uusap sa Charter change pero sa loob lamang ng 100 araw.
Sa isang press conference, sinabi ni de Venecia na mas dapat unahin ng Kongreso ang pagpasa ng mga panukalang batas na makakatulong sa paglikom ng pondo para sa gobyerno.
Kabilang sa mga tax measures na isusulong sa House of Representatives ay ang pagdadagdag ng buwis sa mga sin products, text messages, hotels at inns at ang gross taxation na una nang binanggit ni Pangulong Arroyo sa kanyang inagurasyon.
Hihikayatin rin ni de Venecia ang Senado na huwag na munang talakayin ang Cha-cha hanggang hindi naipapasa ang mga panukalang batas na makakatulong sa 10-point economic agenda ng Pangulo. (Ulat ni Malou Rongalerios)