Kabilang dito ang nahatulan ng kamatayan, life imprisonment o reclusion perpetua na pawang may awtomatikong pagrepaso sa Mataas na Hukuman matapos ang hatol ng mababang hukuman.
Base sa 27-pahinang desisyon ng SC, mas makabubuti umanong dumaan muna at i-review ng CA ang nasabing mga kaso bago ito tuluyang ipanhik sa Korte Suprema upang magkaroon ng final disposition.
"Where life and liberty at stake, all possible venues to determine his guilt or innocence must be accorded an accused, and no care in the evaluation of the facts can ever overdone. A prior determination by the Court of Appeals on, particulary, the factual issues, would minimize the possibility of an error of judgement," anang SC.
Inatasan din ng Korte Suprema na ipadala ang lahat ng mga record kabilang dito ang kasong 10 counts of rape ni Efren Mateo sa CA para sa kaukulang aksyon matapos itong maunang mahatulan ng bitay ng Tarlac Regional Trial Court.
Nakasaad pa sa desisyon na mayroong mga detalye o factual issues sa kaso ni Mateo na hindi maaaring pakialaman ng Korte Suprema at ang CA lamang ang may kapangyarihan na magrebisa nito.
Samantala, nabatid sa Judicial Record Office, umaabot sa 651 akusado ang naisalba ng SC sa tiyak na kamatayan bunga ng teknikalidad at naibaba lamang sa habambuhay na pagkabilanggo. (Ulat ni Gemma Amargo)