US Embassy nagpaliwanag
July 9, 2004 | 12:00am
Tiniyak ng Embahada ng Amerika na mananatiling matibay at matatag ang relasyon ng US sa Pilipinas at kailangan ng dalawang bansa ang isat isa para malabanan ang terorismo sa rehiyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ignacio Bunye, tinawagan siya ni Roland Post, isang kinatawan ng US Embassy para magbigay liwanag sa naging pahayag ni US Ambassador Francis Ricciardone na exporter ng terorista ang Pilipinas dahil sa pagkakaron ng mga kampo ng terorista sa Mindanao na may koneksiyon sa Jemaah Islamiyah.
Sinabi ni Bunye na naiintindihan naman ng Palasyo na sa kabila ng ilang hindi magandang pahayag, sa kabuuan ay nakakatulong naman ang US sa Pilipinas sa pagpapaunlad ng Mindanao.
"Ang katunayan, malaking bahagi ng ginugol natin doon sa Mindanao National Initiative ay galing doon sa multi-donor fund at malaking donor ang Estados Unidos," ani Bunye.
Niliwanag din ni Post na walang intensiyon ang US na magdikta sa pamahalaan sa mga patakaran nitong ipinatutupad sa loob ng bansa. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest