^

Bansa

Pagsibak kay Carbonell, pinabulaanan ng NBN

-
"Hindi namin sinibak si Waldy Carbonell bilang segment anchorman ng Telediario taliwas sa ibinalita ng ilang mga tabloid. Bilang professional na broadcast journalist, kusa niyang hiniling na bawasan ang kanyang oras sa television upang maipagpatuloy niya ngayong semester ang pagiging Masscom professor sa PUP," ito ang paglilinaw na pahayag ni Joey Isabelo, general manager ng NBN Channel 4.

Sa isang press statement, mariing itinanggi ng manager ng nasabing TV network na sa kanila nanggaling ang mga balitang lumabas na ginagamit ni Carbonell ang kanyang pagiging mediaman para sa sariling kapakanan.

"We find Waldy Carbonell as a very professional and upright broadcast journalist. Wala rin kaming binitawang mga mapanirang salita patungkol sa kanya, lalo’t higit doon sa mga lumabas sa mga pahayagan," dagdag pa ni Isabelo.

Ayon pa kay Isabelo, ang nalathala sa mga diyaryo na si Carbonell ay nasibak dahil sa paggamit ng malalaswang salita ay walang batayan, sapagkat bilang panuntunan ng NBN Channel 4, hindi maaaring sumuway ang kahit sino sa patakarang nakatuon sa katotohanan at makatarungang pamamahayag.

Sa kabila nito, tuluy-tuloy pa rin ang pagiging anchorman ni Ka Waldy sa NBN Channel 4 sa programang "Kwarenta Y Singko Minutos" na mapapanood tuwing Sabado, 9:15 hanggang alas-10 ng gabi.

AYON

BILANG

CARBONELL

ISABELO

JOEY ISABELO

KA WALDY

KWARENTA Y SINGKO MINUTOS

MASSCOM

WALDY CARBONELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with