DSWD Sec. nagbitiw na rin
July 7, 2004 | 12:00am
Nagbitiw na sa tungkulin si Social Welfare and Development Secretary Dinky Soliman para bigyang daan ang pag-upo sa DSWD ni Vice President Noli de Castro.
Sa kanyang pahayag sa media kahapon, hindi napigil ni Soliman ang maluha nang ianunsiyo nito na hanggang Oktubre 30 na lamang siya.
Inamin ni Soliman na hindi niya akalaing ito ang kahihinatnan ng kanyang halos apat na taong pagsisilbi kay Pangulong Arroyo. Posible anyang hindi pa sapat ang kanyang naibigay na serbisyo kaya ipinasya ng Pangulo na ibigay ang DSWD kay Kabayan.
Sinabi ni Soliman na noon pang Hunyo 29 sinabi sa kanya ng Pangulo na ang puwesto niya ay nakalaan na para kay VP de Castro.
Masama man ang loob ay nagpasalamat din si Soliman sa pagkakataon na ibinigay ng Pangulo sa kanya upang mapaglingkuran ang mga kapuspalad.
Sa isang press briefing naman, sinabi ni Presidential Spokesman Ignacio Bunye na inalok ng Pangulo si Soliman na pamunuan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Social Security System (SSS) pero tinanggihan ng huli at sinabing babalik na lamang siya sa piling ng NGOs at civil society.
Sinabi ni Bunye na nalulungkot ang Pangulo sa pagbibitiw sa puwesto ni Soliman pero ang Pangulo anya ay mayroong mga desisyong kailangang gawin at nauunawaan naman ito ng mga apektadong opisyal.
Ayon pa kay Bunye, si Soliman ay isang tunay na propesyunal na hindi inaalintana ang sariling kapakanan sa ginawa nitong pagbibitiw sa posisyon.
Nagpapasalamat anya ang Pangulo at sambayanan sa serbisyong ginawa ni Soliman. Nag-iwan anya si Soliman ng walang bahid dungis na rekord sa paglilingkod niya sa pamahalaan at ginawa niyang aktibo ang DSWD sa panahon ng kanyang panunungkulan.
Kaugnay nito, inihayag ni Bunye ang pagtatalaga bilang commissioner kina Virgilio Garcillano at Manuel Barcelona Jr. (Comelec); Reynaldo Villar (COA) at Cesar Buenaflor (Civil Service Commission). (Ulat nina Lilia Tolentino at Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended