OFWs puwede na uli sa Iraq

Tinanggal na ng gobyerno ang pagbabawal sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na magtrabaho sa bansang Iraq pero sa ilang piling lugar lamang.

Base sa bagong labas na alituntunin ng Department of Labor and Employment (DOLE), gradual o paisa-isa at pili lamang ang ipadadalang OFWs sa Iraq base sa kanilang kaalaman at kung saan may magiging bakante na trabaho at nangangailangan ng worker.

Ang unang lugar na papayagang makapunta ang mga OFW ay ang Camp Victory sa Baghdad International Airport complex habang nananatiling suspindido naman ang pagpapadala sa ibang work/camp sites hanggang hindi natitiyak na kumpleto ang ‘safety at security assessment" sa mga lugar na sinasabing kritikal at delikado.

Nananatili namang suspindido ang pagpapadala ng mga truck drivers sa Iraq at walang pinapayagang Pinoy na magtrabaho sa mga lugar na idineklarang "high risk." (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments