^

Bansa

Saddam Hussein binasahan ng 7 kaso

-
Binasahan na ng Baghdad court ng pitong kaso ang dating pangulo ng Iraq na si Saddam Hussein.

Kabilang sa mga kasong ipinataw sa dating Iraqi leader ay ang 1990 Kuwait invasion led to war, 1991 suppression of Kurdish and Shiites, killing of religious and political figures at killing members of political parties. Hindi binanggit sa report kung kasama sa kaso ang illegal na paggawa ng weapons of mass destructions ni Saddam na siyang unang idinahilan ng pamahalaang Estados Unidos kaya giniyera ang Iraq ng US coalition forces.

Bukod kay Saddam, kinasuhan din ang 11 Lieutenants na namuno sa kanyang army troops kasama ang kanyang dalawang half-brothers.

Matapang na humarap si Saddam sa Baghdad court at iginiit na siya pa rin ang pangulo ng Iraq at ang totoong kriminal ay walang iba kundi si Bush.

Tumanggi si Saddam na pumirma sa anumang dokumento na ipinalalagda ng korte. Itinanggi rin lahat nito ang akusasyon at ikinakaso sa kanya.

Sinabi nito na dinepensahan lamang niya ang kanyang mamamayan bilang pangulo ng Iraq sanhi upang sakupin nito ang Kuwait noong 1990. Kinuwestiyon din ni Hussein ang hurisdiksiyon ng korte para sa kanyang kaso maging ang hukom na kaharap nito kabilang ang batas na inaplay para sa kanyang kaso. (Ulat ni Ellen Fernando)

BINASAHAN

BUKOD

ELLEN FERNANDO

ESTADOS UNIDOS

HUSSEIN

ITINANGGI

KABILANG

KURDISH AND SHIITES

SADDAM

SADDAM HUSSEIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with