^

Bansa

News anchor ng NBN 4,sinibak

-
Dahil hindi umano maawat sa pagbibitiw ng malalaswang salita sa ere, napilitan ang pamunuan ng NBN Channel 4 na sibakin ang kilalang news anchor ng "Telediario" na si Oswaldo "Waldy" Carbonel noong Hunyo 30.

Ang "Telediario" ay iniere ng NBN Channel 4 mula Lunes hanggang Biyernes simula alas-7 hanggang alas-9 ng gabi. Ibinigay kay Carbonel ang editorial segment ng programa kaya malaya niyang nababatikos sa himpapawid ang sino man at anumang isyung maibigan niya.

"Noong una niyang gawin ang segment ay inakala ng lahat na talagang trabaho lang ang ginagawa niya ngunit hindi nagtagal ay sunud-sunod na ang mga natatanggap na reklamo ng pamunuan ng istasyon," sabi ng isang correspondent ng news program na ayaw ipabanggit ang pangalan.

"Lumalabas na ginagamit lang niya ang programa para tirahin ang mga gusto niyang biktimahin lalo na ang mga negosyante at mga government officials na may mga kontratang nais niyang makuha," dagdag pa nito.

Nahalungkat din umano ng pamunuan ng NBN ang records sa National Bureau of Investigation (NBI) at US Embassy ni Carbonel.

Napag-alamang bilang publisher ng Manila Hotline, isang tabloid, hinihinalang tumayong ‘protector’ ng mga sindikatong kumikilos sa loob ng Ninoy Aquino International Airport si Carbonel noong dekada 80.

Bukod dito, responsable rin umano si Carbonel sa kasong human smuggling sa NAIA kung saan ginamit umano niyang front ang kanyang tabloid.

Ayon sa record ng NBI, ang modus operandi ni Carbonel ay magpadala ng mga pekeng reporter na kunwari’y staff ng kanyang tabloid kasama sa foreign trips ng presidente ng bansa at pagdating sa destinasyon ay biglang naglalahong parang bula ang mga ito.

Hindi bumababa sa halagang P160,000 ang hinihingi umano niyang bayad sa bawat isa na gustong makarating at mag-TNT sa ibang bansa.

Ilan din sa mga PR practitioner ang sinasabing nakaaway ni Carbonel tulad nina Horacio "Ducky" Paredes, Raul Valino, Rey Bagatsing at ang nasirang si Bubby Dacer.

BUBBY DACER

CARBONEL

MANILA HOTLINE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

RAUL VALINO

REY BAGATSING

TELEDIARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with