Pasahe sa MRT tataas ng P 10
July 1, 2004 | 12:00am
Sa kabila ng kapalpakan ay inihayag ng Metro Rail Transit (MRT) na magtataas ito ng pasahe.
Ayon kay MRT spokesman Mariano Gul, inaprubahan na ng Fare Board ang kanilang request na P10 dagdag pasahe at pirma na lang ng Pangulo ang kailangan para maipatupad ito.
Ang pasahe mula sa North Avenue hanggang Cubao station ay magiging P16, mula sa dating P12 habang P19 naman mula North Ave., hanggang Santolan, Ortigas at Shaw blvd. stations. P22 naman hanggang Guadalupe, Buendia at Ayala stations mula North Ave. at P25 hanggang Pasay Taft station.
Ani Gul, ang kanilang proposal ay isinumite nila bago pa man mag-halalan. Ang board committee ay kinabibilangan ng mga opisyal ng MRT, LRT, Phil. National Railways at LTFRB.
Tiniyak ni Gul na aayusin nila ang maintenance ng mga train at pipilitin na hindi na maulit ang insidenteng naganap kamakalawa. (Ulat ni Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended