Pamatong itinakwil ng MNLF
June 28, 2004 | 12:00am
Wala nang kalalagyan si presidential nuisance candidate Atty. Elly Velez Pamatong matapos na itakwil ng kanyang ipinagmamalaking kinaanibang grupo na Moro National Liberation Front (MNLF)-Normin Group.
Sinabi ni MNLF Sec. Gen. Rev. Samie Tagalog, tuluyan nang ibinasura kahapon ng MNLF Northern Mindanao ang anumang ugnayan nila sa nadiskuwalipika at self confessed "metal spikes" thrower na si Pamatong.
Sinabi ni Tagalog, ginamit ni Pamatong ang kanyang koneksiyon sa kanilang grupo para magprotesta laban sa kasalukuyang gobyerno.
Aniya, dahil sa di magandang inasal ni Pamatong matapos na daanin sa karahasan ang kaniyang protesta nang maghagis ng 50,000 metal spikes sa Metro Manila at iba pang karatig lalawigan noong Hunyo 21, marapat lamang na putulin na ng kanilang grupo ang anumang ugnayan sa isang taong tulad nito.
Inilarawan ni Tagalog si Pamatong bilang isang desperadong "renegade" dahil sa pagkakasangkot nito sa serye ng kasong kriminal na maliban sa paghahagis ng metal spikes na ikinapinsala ng may 200 motorista ay nasamsaman pa ito ng armas at bala makaraang maaresto kasama ang pitong tauhan nito sa Mabitac, Laguna noong Biyernes ng madaling-araw.
Nagbanta rin si Pamatong na manununog ng mga eskuwelahan kaugnay ng planong pabagsakin ang pamahalaan sa loob ng 15-araw bago ito nadakip.
Si Pamatong ay dating kasapi ng nasabing grupo matapos na magboluntaryo ito bilang abogado ni MNLF founder Nur Misuari na nakapiit dahil sa kinakaharap ding kasong rebelyon laban sa pamahalaan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest