Sa ginanap na pulong balitaan sa DFA, sinabi ni acting DFA Secretary Jose Brillantes na ang gaganaping pagpapasinaya ay isa sa mga pinananabikang okasyon dahil sa pagdagsa ng mga high-ranking officials mula sa mga foreign governments.
Bukod sa Estados Unidos, magpapadala rin ng mga delegado ang France, Finland, Japan, Czech Republic, Spain, Morroco, Saudi Arabia, Brunei, Angola, Bahrain, Belgium, Cambodia, Canada, Chile, China, Cuba, Egypt, Finland, Hungary, Iran, Ireland, Israel, Korea, Mali, Myanmar, Singapore, Switzerland at United Kingdom. (Ellen Fernando)