^

Bansa

Guardians makikipag-alyansa sa pro-FPJ

-
Nakatakdang magtungo sa Maynila sa Lunes ang mga miyembro ng Philippine Guardians Brotherhood Inc. (PGBI-Tarlac chapter) upang umano’y lumahok at makisama sa gaganaping panibagong kilos-protesta ng mga pro-FPJ laban sa patuloy na canvassing ng Kongreso para sa presidente at bise presidente.

Ayon sa source, mahigit 1,000 miyembro ng PGBI ang magtitipon-tipon sa Tarlac Provincial Capitol dakong alas-7 ng umaga sa Lunes at hihintayin umano ang ilang mga instruction sa kanila bago ang takdang pagtungo sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kung saan ilulunsad ang malawakang kilos-protesta ng mga pro-FPJ.

Ibinunyag pa ng intelligence sources na isang talunang konsehal sa Tarlac sa ilalim ng partido ng KNP at isang "Mr. Sumawang," isang ministro ang siyang itinuturong nag-organisa sa paglulunsad ng naturang pagkilos.

Nabatid pa na ginagamit sa ilang linggong pagpupulong ng mga miyembro nito ang bahay ng isang opisyal ng PGBI na matatagpuan sa Bgy. San Miguel, Tarlac City kung saan doon pinag-uusapan ang gaganaping pakikipagsanib ng puwersa sa mga pro-FPJ.

Idinagdag pa ng source na tutungo at didiretso ang mga kasapi nito sa Commonwealth Ave. sakay ng ilang mga pampasaherong bus at pribadong sasakyan upang maiwasan umano ang detection sa kanila ng pulisya.

Ang pakikihalubilo ng mga PGBI sa mga pro-FPJ ay upang iprotesta at pigilan ang patuloy na canvassing. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

JEFF TOMBADO

MR. SUMAWANG

PHILIPPINE GUARDIANS BROTHERHOOD INC

QUEZON CITY

SAN MIGUEL

TARLAC

TARLAC CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with