Magugunitang nagkaroon ng kaguluhan sa nasabing lungsod matapos na magpalabas ang CA ng desisyon na nagpapawalang bisa sa suspension order ni Malabon Mayor Amado Vicencio.
Bukod dito, hindi pa rin final and executory ang kautusan ng CA dahil nakasaad sa batas na mayroon pang 15 araw si acting Mayor Mark Allan Jay Yambao ng 15 araw upang magsumite ng kanyang motion for reconsideration.
Kaugnay nito, nilinaw kahapon ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Joey Lina na si Yambao pa rin ang mananatiling alkalde ng Malabon at pinayuhan din nito na ipagpatuloy ang kanilang tungkulin at ng Sangguniang Panglungsod.
Sinabi pa nito na nakarating na kay Pangulong Arroyo ang kopya ng CA tungkol sa nasabing usapin ng dalawang alkalde at hihintayin na lamang niya ang kautusan ng Malacañang tungkol sa nasabing isyu.
Magugunita na sinuspinde si Vicencio ng Malacañang dahilan sa mga kasong administratibo. (Ulat ni Gemma Amargo)