Bukod sa pagbuo ng mga korte, ipinasa rin ng Senado ang Judiciary Compensation Act, Anti-Money Laundering Act, Anti-Trafficking of Women Act of 2003, Dual Citizenship Act, at ang 2004 Absentee Voting Law.
Ayon kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan, malaking tulong ito upang mabawasan ang mga nakabinbing kaso sa mga korte lalo na sa mga malalayong lalawigan.
Kabilang dito ang limang Metropolitan Trial Courts (MTCs) sa Iligan City, 10 MTCs sa Iloilo, isa sa Tagbilaran City, tig-2 sa Butuan at Calamba cities.
Inaprubahan din ang pagtaas ng mga kompensasyon ng mga huwes, prosecutors at pagbuo ng alternatibong dispute resolution.
Aniya, ang lahat ng ito ay bunga na rin ng kasipagan ng Senado na makapagbuo ng mga batas na makakatulong sa taumbayan. (Ulat ni Rudy Andal)