^

Bansa

22 bagong korte inaprub ng Senado

-
Nakakasiguro na ng mabilis na prosesong hudikatura ang bansa matapos na aprubahan ng Senado ang may 22 bagong korte sa kapuluan.

Bukod sa pagbuo ng mga korte, ipinasa rin ng Senado ang Judiciary Compensation Act, Anti-Money Laundering Act, Anti-Trafficking of Women Act of 2003, Dual Citizenship Act, at ang 2004 Absentee Voting Law.

Ayon kay Senate Majority Leader Francis Pangilinan, malaking tulong ito upang mabawasan ang mga nakabinbing kaso sa mga korte lalo na sa mga malalayong lalawigan.

Kabilang dito ang limang Metropolitan Trial Courts (MTCs) sa Iligan City, 10 MTCs sa Iloilo, isa sa Tagbilaran City, tig-2 sa Butuan at Calamba cities.

Inaprubahan din ang pagtaas ng mga kompensasyon ng mga huwes, prosecutors at pagbuo ng alternatibong dispute resolution.

Aniya, ang lahat ng ito ay bunga na rin ng kasipagan ng Senado na makapagbuo ng mga batas na makakatulong sa taumbayan. (Ulat ni Rudy Andal)

ABSENTEE VOTING LAW

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

ANTI-TRAFFICKING OF WOMEN ACT

DUAL CITIZENSHIP ACT

ILIGAN CITY

JUDICIARY COMPENSATION ACT

METROPOLITAN TRIAL COURTS

RUDY ANDAL

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with