Sa resolution ng SC en banc, ibinasura nito ang petisyon ni Davao City Rep. Ruy Elias Lopez na humihiling na ipawalang bisa ang rules sa canvassing.
Sa botong 14-0, sinabi ng mga mahistrado na walang naganap na grave abuse of descretion sa panig ng Kongreso nang ito ay bumuo ng 22-man joint committee na siyang uupo bilang National Board of Canvassers.
Iginiit ng SC na mismong ang Konstitusyon ang siyang nagbibigay ng kapangyarihan sa dalawang kapulungan ng Kongreso na siyang magbilang ng boto.
Dahil dito kaya hindi maikokonsidera na isang paglabag sa tungkulin ang pagbuo ng komite na siyang uupong canvassers tulad ng pinapalabas ni Lopez sa kanyang petisyon. (Ulat ni Gemma Amargo)