6 empleyado ng Senado kinilala ng NBI sa pekeng CoCs
June 9, 2004 | 12:00am
Kinilala ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Reynaldo Wycoco ang anim na empleyado ng Senado na sangkot umano sa pagpapakalat ng mga pekeng certificate of canvass (CoCs) at statement of votes (SoVs).
Tinukoy nito sina Isabel Velasquez at Donafe Lanuza na pawang janitress; Charito Lacdao, operator; security guard na sina Jose Manuel at Elmore Mercurio, at Elizabeth Jacinto, staff ni Sen. Panfilo Lacson.
Nagpadala na rin ng subpoena ang NBI sa anim na empleyado upang magtungo sa ahensiya at isailalim ang mga ito sa kaukulang imbestigasyon upang mabatid kung may kaugnayan ang mga ito sa mga utak na nasa likod ng pagtatanim ng mga pekeng election returns sa Senado.
Nabatid na si Vasquez ay nakuhanan ng security camera na pumasok sa isang womens room sa 5th floor habang si Lacdao ang nakadiskubre ng ilan sa mga dokumento sa loob ng naturang palikuran.
Sina Manuel at Mercurio naman ang nakatalaga sa 3rd at 5th floor, habang naglilinis naman si Lanuza sa 5th floor habang si Jacinto ang nakadiskubre ng brown envelope na naglalaman ng mga pekeng CoCs sa hagdan ng 3rd floor ng gusali ng Senado.
Tinanggap kahapon ni House deputy secretary general Artemtio Adasa, Jr. ang certification mula kay Atty. Lamberto Llamas ng Comelec na nagsasabing peke ang paper seal na ginamit sa mga dokumento na nakita sa labas ng plenary hall. Wala anilang secret markings sa printed text ang mga dokumentong isinilid sa loob ng envelope.
Ipinaliwanag pa ni Llamas na hindi ang Comelec ang nagpalabas ng paper seals na may serial numbers (SN) 0736996 at 0736991. (Ulat nina Danilo Garcia/Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest