^

Bansa

GMA nanguna sa initial canvassing

-
Matapos ang siyam na araw na debatehan at pagbubukas ng mga ballot boxes sa joint session ng Kongreso, nagsimula na rin kamakalawa ng gabi ang opisyal na canvassing ng joint committee na tumayong National Board of Canvassers (NBoC) kung saan nanguna si Pangulong Arroyo.

Unang binilang ang mga certificate of canvass (CoCs) mula sa Cambodia, Laos, Palau, Brunei at Netherlands kung saan naitala ang botong 2,997 para kay Pangulong Arroyo; 2,498 kay Fernando Poe, Jr.; Raul Roco, 1,338; Panfilo Lacson, 892 at Bro. Eddie Villanueva, 838.

Sa bise presidente, nanguna si Noli de Castro sa botong 4,594; Loren Legarda, 3,430; Hermie Aquino, 381 at Rodolfo Pajo, 25.

Muling magko-convene ang joint committee sa Lunes kung saan itutuloy ang pagbibilang ng mga CoCs.

May kabuuang 176 CoCs ang bibilangin ng committee at nangako pa rin ang oposisyon na kukuwestiyunin nila ang 25 CoCs na pinaghihinalaang ginamit umano sa dayaan pabor kay Arroyo.

Tutulong sa pagpapatuloy ng canvassing ang Philippine Institute of Certified Public Accountants (Picpa) matapos itong hilingin ni House Speaker Jose de Venecia.

Apat na volunteer accountants mula sa Picpa ang haharap sa joint committee hanggang matapos ang canvassing upang ma-audit ang pagbibilang.

Nauna nang inihayag nina de Venecia at Senate President Franklin Drilon na natutuwa silang nag-umpisa na ang bilangan at tiyak na mahahabol ang June 30 deadline upang maiproklama ang mananalong presidente at bise presidente. (Ulat ni Malou Rongalerios)

EDDIE VILLANUEVA

FERNANDO POE

HERMIE AQUINO

HOUSE SPEAKER JOSE

LOREN LEGARDA

MALOU RONGALERIOS

NATIONAL BOARD OF CANVASSERS

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE INSTITUTE OF CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with