Personal na sinampahan ng kasong libelo ni Arroyo kasama ang kanyang abugado na si Atty. Ruy Alberto Rondain sa tanggapan ni Manila Prosecutor Office chief Ramon Garcia sina Chavez, Banayo na spokesman ni Sen. Panfilo Lacson, Tatad at 20 iba pang personalidad at miyembro ng media.
Nakasaad sa 10-pahinang complaint affidavit ni Arroyo na hindi siya makapagtimpi sa mga pahayag ni Chavez na may kinalaman siya sa P750 million agri-fund, samantalang si Tatad ay inakusahan siyang gumawa ng pamimili ng certificate of canvass (CoCs) sa Mindanao upang manalo si Pangulong Arroyo.
Ikinainis din ni FG Arroyo ang pahayag ni Banayo sa media na malaki ang papel nito sa pandaraya noong nakaraang halalan.
Iginiit pa nito na pinilit niyang manahimik sa mga alegasyon ng tatlo subalit sa sunud-sunod na pag-atake ang ginawa sa kanya sa media kaya napillitan siyang magsampa ng kaso upang ipagtanggol ang sarili. (Ulat ni Gemma Amargo)