^

Bansa

P10-M libel buwelta ni GF Arroyo vs Chavez, Banayo at Tatad

-
Sinampahan kahapon ng P10 milyon libel suit sa Manila Prosecutors Office ni First Gentleman Mike Arroyo sina Atty. Frank Chavez, Lito Banayo at senatorial candidate Francisco "Kit" Tatad dahil sa umano’y akusasyon ng huli sa una na ito ang utak ng pandaraya sa naganap na halalan noong nakaraang Mayo 10.

Personal na sinampahan ng kasong libelo ni Arroyo kasama ang kanyang abugado na si Atty. Ruy Alberto Rondain sa tanggapan ni Manila Prosecutor Office chief Ramon Garcia sina Chavez, Banayo na spokesman ni Sen. Panfilo Lacson, Tatad at 20 iba pang personalidad at miyembro ng media.

Nakasaad sa 10-pahinang complaint affidavit ni Arroyo na hindi siya makapagtimpi sa mga pahayag ni Chavez na may kinalaman siya sa P750 million agri-fund, samantalang si Tatad ay inakusahan siyang gumawa ng pamimili ng certificate of canvass (CoCs) sa Mindanao upang manalo si Pangulong Arroyo.

Ikinainis din ni FG Arroyo ang pahayag ni Banayo sa media na malaki ang papel nito sa pandaraya noong nakaraang halalan.

Iginiit pa nito na pinilit niyang manahimik sa mga alegasyon ng tatlo subalit sa sunud-sunod na pag-atake ang ginawa sa kanya sa media kaya napillitan siyang magsampa ng kaso upang ipagtanggol ang sarili. (Ulat ni Gemma Amargo)

BANAYO

CHAVEZ

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

FRANK CHAVEZ

GEMMA AMARGO

LITO BANAYO

MANILA PROSECUTOR OFFICE

MANILA PROSECUTORS OFFICE

PANFILO LACSON

PANGULONG ARROYO

TATAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with