^

Bansa

Ebidensiya ng bilihan sa BOCs ilalantad

-
Handang ilantad ng pamunuan ng Freedom Peace and Justice Movement ang mga ebidensiya na nagpapatunay na nagkaroon ng hakbangin ang administrasyon upang bilhin ang mga board of canvassers sa ilang mga lalawigan upang matiyak ang pag-upong muli ni Pangulong Arroyo sa Malacañang.

Sinabi ni Manny Portez ng FPJM, inihahanda na niya ang naturang mga ebidensiya at dokumento kaugnay ng nabanggit na hakbang.

Unang sinabi nina board of canvassers Atty. Adolfo Ilagan ng Samar at Atty. Cesar Tingzon na umano’y binibigyan sila ng blank check ng kampo ni Arroyo upang matiyak ang panalo ni GMA.

Kaugnay nito, naglunsad ng text brigade ang Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) upang dito iparating ng taong bayan ang kanilang mga sumbong at reklamo kaugnay ng nakitang mga dayaan sa bilangan ng mga balota sa iba’t ibang panig ng bansa. I-text ang mensahe sa 0919-6270348.

Samantala, sa latest tally sheet na nakalap ng Serbisyo Pinoy Solutions Inc. at Grupo Election Management Systems, May 19, 2004 10:30 ng umaga, nakakuha si FPJ ng botong 9,042,427 kontra sa 8,082,847 ni GMA.

vuukle comment

ADOLFO ILAGAN

CESAR TINGZON

FREEDOM PEACE AND JUSTICE MOVEMENT

GRUPO ELECTION MANAGEMENT SYSTEMS

HANDANG

MANNY PORTEZ

NAGKAKAISANG PILIPINO

PANGULONG ARROYO

SERBISYO PINOY SOLUTIONS INC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with