^

Bansa

Transport strike ikakasa

-
Malawakang tigil-pasada ang ilulunsad ng transport sector sakaling dedmahin pa umano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kanilang kahilingang dagdag na P1.50 sa pasahe matapos ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Aminado ang PCDO-ACTO at PISTON na kanila nang inilalatag ang isasagawang transport strike bagamat sa ngayon ay hindi pa pinal kung kailan ito ilulunsad.

Sinabi ni PCDO-ACTO president Efren de Luna na tanging dagdag sa pasahe na lamang ang solusyon para mabawi ng mga driver ang malaking pagkalugi sa kanilang arawang kita.

Aniya, nararapat na ang fare increase sa kasalukuyan dahil umabot na sa P18.50 hanggang P19.50 ang presyo ng diesel kumpara sa presyo nito noong nakaraang taon na P14.50 lamang.

Ayon kay de Luna, hindi na nakasasapat ang discount na ibinigay ng mga kumpanya ng langis.

Sinabi naman ni LTFRB chairman Helen Bautista na hindi tumigil ang kanilang tanggapan sa pagsasagawa ng pagdinig sa panukalang fare increase. Anumang araw ay kanila umanong ihahayag kung pagbibigyan ang dagdag pasahe o hindi.

Aminado ang LTFRB na nahihirapan sila na desisyunan kung wasto bang magkaroon ng pagtaas sa pamasahe dahil hindi lang naman umano nakabase sa pagtaas ng presyo ng langis ang pagkakaroon ng fare increase. (Ulat ni Edwin Balasa)

AMINADO

ANIYA

ANUMANG

AYON

EDWIN BALASA

EFREN

HELEN BAUTISTA

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MALAWAKANG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with