Ayon kay AFP Vice Chief of Staff at Spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia, ang ikalawang batch ng mga sundalong ipadadala sa Iraq ay hindi magsasagawa ng combat mission.
Samantala, dapat nang sibakin ni Pangulong Arroyo si Ambassador Roy Cimatu bilang pinuno ng Middle East Preparedness Team sa gitna ng pagkamatay ng ilang Pinoy sa Iraq.
Ayon kay Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen, mali ang naging pahayag ni Cimatu na ligtas ang mga Pilipinong nasa Iraq kaya dapat lamang itong tanggalin na sa puwesto.
"Iresponsable ang pahayag ni Cimatu. Paano niyang masasabing ligtas ang mga Pilipino sa Iraq gayung halos araw-araw ay may namamatay na OFWs," anang solon. (Ulat nina Joy Cantos/Malou Rongalerios)