^

Bansa

Deployment ng Pinoy troops sa Iraq, tuloy

-
Sa kabila ng sunud-sunod na pagkasawi ng mga Pinoy sa Iraq mula sa mga bomb attack, inihayag na itutuloy ng pamahalaan ang pagpapadala ng karagdagang Pilipinong sundalo na kabilang sa humanitarian contingent doon.

Ayon kay AFP Vice Chief of Staff at Spokesman Lt. Gen. Rodolfo Garcia, ang ikalawang batch ng mga sundalong ipadadala sa Iraq ay hindi magsasagawa ng combat mission.

Samantala, dapat nang sibakin ni Pangulong Arroyo si Ambassador Roy Cimatu bilang pinuno ng Middle East Preparedness Team sa gitna ng pagkamatay ng ilang Pinoy sa Iraq.

Ayon kay Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen, mali ang naging pahayag ni Cimatu na ligtas ang mga Pilipinong nasa Iraq kaya dapat lamang itong tanggalin na sa puwesto.

"Iresponsable ang pahayag ni Cimatu. Paano niyang masasabing ligtas ang mga Pilipino sa Iraq gayung halos araw-araw ay may namamatay na OFWs," anang solon. (Ulat nina Joy Cantos/Malou Rongalerios)

AMBASSADOR ROY CIMATU

AYON

CIMATU

DIDAGEN DILANGALEN

JOY CANTOS

MAGUINDANAO REP

MALOU RONGALERIOS

MIDDLE EAST PREPAREDNESS TEAM

PANGULONG ARROYO

PILIPINONG

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with