^

Bansa

Taguig magiging siyudad na rin

-
Matapos ang anim na taong paghihintay, magiging siyudad na rin ang bayan ng Taguig makaraang lumamang ang "yes vote" sa isinagawang recount ng Commission on Elections (Comelec) para sa 1998 Taguig Cityhood Plebiscite.

Tuluyan nang ibinasura ng Supreme Court (SC) ang mga inihaing motion ni Taguig-Pateros Congressman Allan Peter Cayetano kaugnay sa mariing pagtutol nito sa Taguig Cityhood.

Base sa ipinalabas na unofficial final count, umaabot sa 16,004 ang bumoto ng "yes" habang 13,125 naman ang bumoto ng "no".

Sa 869 ballot boxes na binuksan, ilan sa mga ito ay may damage ang mga balota kung saan pinasok ito ng tubig dahil sa matagal na nitong pagkaka-stock.

Maging ang alkalde ng Taguig na si Mayor Sigfrido "Freddie" Tinga ay naging positibo ang pagtanggap sa pagiging siyudad nito dahil lumabas na ang tunay na resulta ng 1998 cityhood plebiscite.

Nauna rito, ibinasura ng SC en banc ang motion ni Cayetano para sa pagpapalabas ng Temporary Restraining Order upang itigil ang recount. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

CAYETANO

LORDETH BONILLA

MAYOR SIGFRIDO

SUPREME COURT

TAGUIG

TAGUIG CITYHOOD

TAGUIG CITYHOOD PLEBISCITE

TAGUIG-PATEROS CONGRESSMAN ALLAN PETER CAYETANO

TEMPORARY RESTRAINING ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with