Accusers ni Noli aarestuhin !
May 9, 2004 | 12:00am
Inihahanda na ng korte sa Pasay ang warrant of arrest laban sa dalawang naninira kay Sen. Noli Kabayan de Castro upang madakip ang mga ito.
Ito ay matapos mapagtibay ng Pasay City Prosecutors Office na may sapat na ebidensya si de Castro sa kasong libelo na kanyang isinampa laban kina Rafael Engle at Andrew Gonzales ng Bagong Lahi Foundation.
Sa kaso ni Engle, sinabi ni second assistant Pasay City Prosecutor Bernabe Augustos Solis na malinaw ang malisya sa paninira sa senador dahil gumamit ang una ng character assassination laban sa isang tumatakbo sa pangalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.
Imbes na idemanda si de Castro, bakit sa pahayagan nagrereklamo si Engle?, ayon kay Solis.
Ganito rin ang naging basehan ni Solis sa prima facie evidence para sa kaso ni Gonzales.
Iginiit ni Solis na natural lamang para sa isang tao ang kaagad na magdemanda kung ito ay nakagawa ng pagkakasala. Ngunit nag-antay pa si Gonzales ng mahigit dalawang taon bago ireklamo si de Castro.
"Pareho lang ang tanong. Bakit kung kailan kasagsagan ng kampanya lumitaw at nagreklamo si Gonzales," ani Solis.
Pinaniniwalaan na si Engle at Gonzales ay bahagi ng demolition job laban kay de Castro.
Sa kanilang paninira, pinalabas ng dalawa sa kanilang mga pahayagan sa diyaryo na isang extortionist ang senador.
Samantala, handa ang kampo ni de Castro na ituloy ang kaso laban kina Engle at Gonzales kahit tapos na ang halalan. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended