^

Bansa

Msgr. Nico sumaklolo sa batang lumpo

-
Sumaklolo kahapon ang iginagalang na haligi ng Simbahan na si Fr. Nico Bautista at iba’t ibang cause-oriented groups na pinamumunuan ni Emily Heedari sa isang batang lumpo na ang kalunus-lunos na kapansanan ay ginamit umano sa pangongotong at panlilinlang sa mga tagapanood ng Magandang Gabi Bayan (MGB) sa ABS-CBN ni Noli de Castro.

Humarap sa media sa World Trade Center, Pasay City ang grupo ni Father Nico kahapon upang ilunsad ang isang fund-raising para makalikom ng pantustos sa pag-aaral ni Peter John Barcelona ng Calapan City, Oriental Mindoro na ninakawan umano ni de Castro.

Ang 13-anyos na si Peter na ipinanganak na walang dalawang kamay at paa ay ipinalabas sa MGB upang makahingi ng donasyon para sa kanyang pag-aaral ngunit sa mahigit na P138,000 nalikom ay P5,700 lamang ang binigay kay Peter.

Sa pormal na reklamo na isinampa kamakalawa sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP), inakusahan din si de Castro ng paggamit kay Peter para sa pamumulitika para palabasin na siya ay matulungin at "Mr. Public Service".

Sinabi ni Fr. Nico na magtatayo sila ng isang trust fund para sa pag-aaral ni Peter at tulong na din sa kanyang pamilyang hikahos na mga magsasaka sa Oriental Mindoro. Pakikiusapan ng grupo ang ABS-CBN na punan ang mga ninakaw o kinupit na mga donasyon para kay Peter ‘‘bilang pagtitika sa mga pang-aapi sa bata.’’

Sa palabas sa MGB, kinunan si Peter ng walang pahintulot ng mga magulang na kumakain na parang baboy dahil nga walang dalawang kamay, naliligo at naglalakad na walang saplot ang katawan at labas ang ari. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

CALAPAN CITY

EMILY HEEDARI

FATHER NICO

MAGANDANG GABI BAYAN

MR. PUBLIC SERVICE

NICO BAUTISTA

ORIENTAL MINDORO

PASAY CITY

PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with