^

Bansa

Kaso pa vs Malabon mayoralty bet

-
Bagaman ibinasura ng Comelec First Division ang petisyon na inihain ng isang Rafael Vidal ng Malabon, hindi pa rin ligtas si Malabon mayoralty candidate Jeannie Ng Sandoval sa isa pang nakabinbing kaso sa kanya. Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, election lawyer, hindi pa dapat magsaya si Sandoval dahil mas matindi ang kasong kinakaharap nito hinggil sa disqualification case na inihain ng kanyang kliyenteng si Virgilio Sangoyo.

Isa sa mga pinakamalakas aniyang ebidensiya na hawak nito ay ang sinumpaang salaysay ng mismong bgy. chairman ng Baritan na si Alexander Roque na nagpapatunay na hindi residente doon si Sandoval base sa idineklara nito sa kanyang certificate of candidacy. Sinabi ni Roque na hindi niya man lamang nakita kahit minsan si Sandoval sa kanyang barangay.

Sa testimonya ni Roque, hindi nanirahan sa kanyang nasasakupan si Sandoval at ang inupahan nitong bahay sa #9 Naval Extension Brgy. Baritan, Malabon ay ginamit lamang nito upang maisulong ang kandidatura para sa pagka-mayor. (Ulat ni Ellen Fernando)

ALEXANDER ROQUE

BARITAN

COMELEC FIRST DIVISION

ELLEN FERNANDO

JEANNIE NG SANDOVAL

MALABON

NAVAL EXTENSION BRGY

RAFAEL VIDAL

ROMULO MACALINTAL

SANDOVAL

VIRGILIO SANGOYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with