^

Bansa

Reklamo vs Lacuna aaksiyunan ng Ombudsman

-
Tiniyak kahapon ni Assistant Ombudsman Ernesto Nocos na aaksiyunan ng Office of the Ombudsman ang reklamong iniharap laban kay Manila Vice Mayor Danny Lacuna kaugnay sa sinasabing "unexplained wealth" nito.

Ayon kay Nocos, lahat naman ng reklamong inihahain sa Ombudsman ay kanilang inaaksiyunan at masusing pinag-aaralan upang maisampa sa Sandiganbayan kung makikitang may batayan ang reklamo.

Pormal na inireklamo sa Ombudsman ni Joselito de Jesus, isang concerned citizen ng Maynila ang pagkakaroon ni Lacuna ng isang mansiyon na nagkakahalaga umano ng P30 milyon at sports car.

Sa reklamo ni de Jesus na may petsang April 5, 2004, dapat imbestigahan ng Ombudsman ang unexplained wealth ni Lacuna upang malinawan kung paanong ang isang vice mayor na sumusuweldo lamang ng P35,000 kada buwan ay makapagpagawa ng mansiyon na nagkakahalaga umano ng P30 milyon at makabili ng sports car.

Bago umano niya iboboto si Lacuna na tumatakbo muling vice mayor ng Maynila ay dapat linawin muna kung paano siya nagkaroon ng mansiyon at sports car.

Ang Ombudsman ang tumatayong prosecutor sa Sandiganbayan para sa lahat ng mga kasong inihahain laban sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

ANG OMBUDSMAN

ASSISTANT OMBUDSMAN ERNESTO NOCOS

AYON

JOSELITO

MALOU RONGALERIOS

MANILA VICE MAYOR DANNY LACUNA

MAYNILA

NOCOS

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SANDIGANBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with