^

Bansa

Congressional bet umalma sa pagkawala ng pangalan sa Comelec

-
Misteryosong tinanggal ang pangalan ng three-termer na si Congresswoman Sandy Ocampo na muling kumakandidato sa ika-anim na distrito ng Maynila, sa listahan ng mga kandidato sa Voter’s Information Sheet (VIS) at list of candidates at sample ballot na ipinapadala ng Comelec sa mga botante.

Sa kanyang pahayag kahapon, mariing kinondena ni Ocampo ang mga opisyal ng Comelec sa kanilang "ill-motivated and deliberate booboo" na hindi pagsama sa kanyang pangalan sa listahan ng mga kandidato na ipinapadala sa mga botante.

Nang komprontahin ni Ocampo ang mga opisyal ng Comelec sa kanyang distrito, idinahilan ng mga ito na "printing error" ang nangyari na hindi nila napuna dahil sila umano ay "napagod" sa pagtatampisaw sa beach" noong Holy Week.

"Lubhang kaduda-duda at napakababaw ng kanilang dahilan na ito raw ay kaso lamang ng pagkakamali sa pag-iimprenta. Papaano nila di maisasama ang aking pangalan sa listahan kung wala silang masamang balak, gayong ako lamang sa mga kumakandidato sa 6th district ang nanalo na nang hindi lamang minsan kundi tatlong beses bilang kongresista," batikos niya.

Ayon kay Ocampo, ilang beses nang nagtungo ang mga opisyal ng Comelec sa kanilang tahanan upang magpaliwanag at nangakong i-stamp pad na lamang daw ang kanyang pangalan sa mahigit 200,000 kopya ng listahan na ipapadala sa mga indibidwal na botante.

Mariin niyang tinanggihan ang naturang ideya at hiniling na kagyat na magpaimprenta ng bagong forms at sunugin o gutay-gutayin ang mga naunang forms na wala ang kanyang pangalan. "Hindi ko tatanggapin na i-stamp pad lamang ang pangalan ko. Walang katiyakan na lahat ng forms ay malalagyan ng pangalan ko at malinaw na mababasa ng botante," sabi niya.

Kaugnay nito, nanawagan si Ocampo kay Comelec Chairman Benjamin Abalos na siguraduhin na maging malaya at malinis ang pagdaraos ng halalan sa ika-anim na distrito ng Maynila matapos ang maanomalyang eleksiyon noong 2001 kung saan nakaharap ng beteranong mambabatas na si Pablo Ocampo, ama ni Sandy, ang kontrobersyal na milyonaryong si Mark Jimenez.

Nanalo si Jimenez ng halos 500 boto lamang, ngunit pinawalang-bisa ang panalo nito ng House of Representatives Electoral Tribunal at Korte Suprema sa kasong malawakang pandaraya at di totoong paninirahan sa nasabing distrito. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN BENJAMIN ABALOS

CONGRESSWOMAN SANDY OCAMPO

ELLEN FERNANDO

HOLY WEEK

HOUSE OF REPRESENTATIVES ELECTORAL TRIBUNAL

INFORMATION SHEET

OCAMPO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with