Ayon kay Jaworski, totoong hindi na sasapat ang P280 daily minimum wage sa kasalukuyang panahon dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin,
Sinabi ni Jaworski na halos taon-taon na lamang sa tuwing sasapit ang paggunita ng May 1 Labor Day ay mas lalong tumitindi ang reklamo ng mga manggagawa laban sa mga kapitalista.
Dahil dito, sinabi ni Jaworski na ang kaliwat kanang pag-aaklas ng mga obrero ang lalong nagpapahina sa ekonomiya ng bansa, lalo na kapag ang mga nagigipit na kompanya ay napipilitang magsara.
Kaugnay nito, sinabi ni Jaworski na hindi matatapos ang paulit-ulit na problema sa pagitan ng mga manggagawa at mga employers kung hindi magkakaroon ng kongkretong solusyon.
Pinayuhan ni Jaworski ang wage board na humanap ng tamang solusyon na mapagbibigyan ang panig ng mga obrero at mga kapitalista upang hindi na humantong sa pagwewelga o kaya pagsasara ng mga kompanya. (Ulat ni Lilia Tolentino)