Apela ni Gringo sa Oakwood mutiny ibinasura ng SCX
April 20, 2004 | 12:00am
Tuloy-tuloy na ang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) laban kay Sen. Gringo Honasan kaugnay ng umanoy pagkaka-sangkot nito sa Oakwood mutiny noong Hulyo 27, 2003.
Ito ay matapos na ibasura kahapon ng Supreme Court (SC) en banc ang kahilingan ng senador na balewalain nito ang paghawak ng DOJ kaugnay sa pagkakadawit nito sa pag-aalsa ng Magdalo group sa Oakwood Hotel.
Sa botong 9-5, ibinasura ng Korte ang ano mang magiging resulta ng imbestigasyon ng DOJ kaya hinayaan na lamang nitong ipagpatuloy ang kanilang imbestigasyon.
Magugunita na kinuwestiyon ni Associate Justice Romeo Callejo ang kampo ni Honasan sa pagsasabing mayroong ipinalabas na administrative order no.08 sa ilalim ni dating Ombudsman Conrado Vasquez Sr. at nakasaad na mayroong kapangyarihan na hawakan ang kaso laban sa isang kawani ng gobyerno at maaari itong magtalaga ng Provincial o city Prosecutor.
Subalit nauna nang iginiit ng kampo ni Honasan, sa pamamagitan ng abogado nitong si SC Justice Hugo Gutierrez, na walang karapatan ang DOJ sa kaso dahil lalabagin nito ang nakasaad sa Saligang Batas.
Kailangan umano na ang Ombudsman ang direktang magtatalaga sa DOJ para sa pagsasagawa ng preliminary investigation sa kanyang kaso dahil ito ang mayroong "primary jurisdiction" sa kaso laban sa isang kawani ng gobyerno.
Magugunita na hiniling ni Honasan sa SC na ilipat sa Ombudsman ang imbestigasyon sa kanyang kaso sa paniniwalang bias ang DOJ bukod pa dito umano na isa siyang opisyal ng pamahalaan. (Ulat ni Gemma Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended