FPJ media bureau nilayasan ng 5 staff
April 16, 2004 | 12:00am
SAN FERNANDO CITY, La Union - Limang staff ng FPJ Media Bureau ang kumalas sa Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP) dahil sa umanoy selosan sa trabaho at kakulangan sa pondo.
Kinumpirma ni bureau chief Rod Reyes ang pagbibitiw nina Benjie Guevarra, Bryan Yamsuan, Wowie Pagkalinawan, Merlinda Manalo at Dave Pahilga. Idinahilan ng limang staff na ang selosan sa propesyonalismo at kakulangan sa pondo para masuportahan ang pangangailangan upang makaganap sila ng husto sa kanilang tungkulin ang nagtulak upang magbitiw sila sa kanilang trabaho.
Iginiit naman ni Reyes na hindi siya magre-resign at mananatili kay Fernando Poe, Jr. hanggang matapos ang halalan. Pawang staff lamang anya ang umalis at hindi naman ang buong media bureau kaya walang epekto ito.
Pansamantalang mga staff ni Sorsogon Rep. Francis Escudero, spokesman ni FPJ, ang gaganap sa iniwang mga tungkulin ng nagbitiw na staff ng KNP. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest