^

Bansa

Eddie Gil pinayagang mangampanya ng SC

-
‘Normal ako at may karapatan maging isang pangulo!’

Ito ang naging pahayag ni Isang Bansa, Isang Diwa presidential bet Eddie Gil matapos na muli siyang payagan ng Korte Suprema na makapangampanya para sa kandidatura nito sa darating na presidential elections sa Mayo 10.

Sa isang pahinang resolution na ipinalabas ng SC, nagpalabas ito ng status quo order laban sa naunang desisyon ng Comelec na nagdiskuwalipika kay Gil bilang presidential candidate at nagpahinto dito sa pangangampanya.

Binigyan naman ng limang araw ng SC ang Comelec na magsumite ng kanilang komento hinggil sa petition ni Gil na humihiling na ipahinto ang pagpapatupad ng nasabing desisyon ng komisyon.

Sa desisyon ng Comelec, dinisqualify nito si Gil dahil na rin sa kawalan nito ng makinarya para makapangampanya.

Pinatunayan naman ni Gil na siya ay may kapasidad na mangampanya sa buong bansa matapos na isumite nito ang proof of funds mula sa ING Bank sa Amsterdam, Netherlands na nagkakahalaga ng $10-B. (Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BINIGYAN

COMELEC

CRUZ

EDDIE GIL

GIL

ISANG BANSA

ISANG DIWA

KORTE SUPREMA

PINATUNAYAN

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with