Tsuneishi-Aboitiz prexy kinasuhan

Nakatakdang sampahan ng kaso ang isang Japanese official na tumatayong pangulo ng Tsuneishi-Aboitiz matapos na lumutang ang mga ebidensiya na inutusan umano nitong pigilan ang pagbiyahe ng barko ng Negros Navigation Co. (Nenaco) noong Semana Santa na muntik ng magresulta sa pagkaka-stranded ng libu-libong biyahero.

Sinabi ng isang mataas na opisyal ng Nenaco na ang ginawa ni Kenji Kawano, presidente ng Tsuneishi-Aboitiz ay labag sa ‘stay-order’ na inutos ng Manila Regional Trial Court at labag sa interes ng mga pasaherong Pinoy.

Pinag-aaralan na ng mga abogado ng Nenaco ang susunod nitong legal na hakbang laban kay Kawano dahil sa pangha-harass umano sa Nenaco.

Bukod dito, magsasampa ng pormal na reklamo ang Nenaco laban rin kay Kawano sa Japan Embassy at sa DOTC. (Ulat ni Ellen Fernando)

Show comments