Sa desisyong ipinalabas ng Comelec 2nd Division, ibinasura nito ang disqualification case na isinampa ni Melchor Chavez, miyembro ng AKAP na humiling na ikansela ng komisyon ang Certificate of Candidacy (COC) ni Arroyo.
Sinabi sa desisyon na walang merito ang iginigiit ni Chavez na kanselahin ang kandidatura ni Arroyo nang dahil lamang sa hindi umano awtorisado ang nagsagawa ng notaryo ng COC ni Arroyo dahil isang piskal lamang.
Samantala, nagpasaring naman ang abogado ni Pang. Arroyo na si Atty. Alberto Agra laban kay Chavez sa pagsasabing mas may karapatan ang isang piskal kaysa isang notary public upang mag-notaryo ng papeles.
Hindi aniya dapat seryosohin ang petisyon na isinampa lamang ng nuisance candidate at ng nuisance lawyer. Tinutukoy dito sina Chavez at Atty. Elly Pamatong na mga petisyuner.
Bunsod ng pagbasura, nagbanta si Chavez na kaya umano nitong ipa-likida sa NPA ang mga matataas na opisyal ng komisyon.
Kahit nadismaya, plano rin ni Chavez na maghain ng motion for reconsideration sa Comelec en banc upang i-apela ang desisyon ng 2nd Division. (Ulat ni Ellen Fernando)