Sinabi ni Barbers, tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs na kailangan ng tiyakin ang pamayanang Muslim na ang serye ng mga pag-aresto sa mga sinasabing Muslim brothers na umanoy may ugnayan sa Al Qaeda terrorist ay hindi ginagamit na "sacrificial lambs" sa idineklarang giyera ng bansa laban sa terorismo.
Nanawagan ang dating kalihim ng DILG sa mga lider ng Muslim at Ulamas na gamitin ang kanilang impluwensya para hikayatin ang pamayanang Muslim na maging kalmado at siguruhing ang isyu ay hindi magagamit bilang isyung pulitikal ng ilang sektor.
Idinagdag ni Barbers, may akda ng anti-terror bill na nakatitiyak siyang ang pamayanang Muslim ay kontra sa terorismo na siya ngayong posibleng kinauugnayan ng grupong Abu Sayyaf kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na pabilisan ang imbestigasyon ng mga pinaghihinalaang miyembro ng nasabing grupo at pakawalan kaagad sakaling walang sapat na ebidensya. (Ulat ni Rudy Andal)