^

Bansa

Media handlers ni FPJ sinisi

-
Kasabay ng pakikipagbati ni Fernando Poe Jr. sa reporter ng GMA-7 na pinahiya at pinaiyak nito sa harap ng kanyang libu-libong tagahanga sa Iloilo City, nanawagan kahapon ang dating bise presidente ng National Press Club at tumatayong pangulo ng FPJ Crusade na huwag gawing black propaganda ang nasabing isyu upang sirain si FPJ.

Sinabi ni Willie Espiritu na sa kaso ni GMA-7 reporter Sandra Aguinaldo, dapat na matingnan ng media handlers ni FPJ ang kanilang kakulangan dahil sila ang dapat sisihin sa nangyari. Posible anyang nagkulang ang mga ito sa pagsasagawa ng media briefing dahil sa kanila nakasalalay ang ikikilos ng kandidato at mga nakapaligid dito.

Kailangan anya ng proper decorum sa ganitong uri ng coverage, lalo na sa katulad ni FPJ na pinagkakaguluhan ng kanyang tagahanga.

Ipinaliwanag ni Espiritu na dapat ay alam din ng mediamen ang kanyang limitasyon. Sadya aniyang nakakairita o nakakapikon ang pagkakataon na hindi makita ang isang kandidato sa campaign sortie dahil sa nag-uumpukang mediamen sa harap at likod nito.

Magugunita na maging si Pangulong Arroyo ay humingi rin ng paumanhin sa isa pang reporter ng GMA-7 na si Tina Panganiban-Perez matapos na pinahiya sa isang press conference.

Gayunman, niliwanag ni Espiritu na hindi lamang kay FPJ nakatuon ang kanyang pahayag kundi para sa lahat ng kandidato at mediaman. (Ellen Fernando)

ELLEN FERNANDO

ESPIRITU

FERNANDO POE JR.

GAYUNMAN

ILOILO CITY

NATIONAL PRESS CLUB

PANGULONG ARROYO

SANDRA AGUINALDO

TINA PANGANIBAN-PEREZ

WILLIE ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with