FPJ nakipagbati sa GMA-7 reporter
April 4, 2004 | 12:00am
ILOILO CITY - Nakipagbati kamakalawa ng gabi si KNP standard bearer Fernando Poe, Jr. kay GMA-7 reporter Sandra Aguinaldo sa kalagitnaan ng campaign rally ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino sa Freedom plaza.
Hindi man humingi ng paumanhin si FPJ kay Aguinaldo ay hiniling nito sa lady reporter na kalimutan na nila ang nangyari noong Huwebes ng gabi sa campaign sortie sa Tigbauan gym.
Iginiit ni Da King na hindi siya nagalit kay Aguinaldo. Nang makita niya itong naghahanda para sa kanyang stand-upper spiel ay inakala umano niyang may sasabihin lamang ang naturang reporter kaya inabot niya ang mikropono dito.
"Kalimutan na lamang natin ang nangyari noong isang gabi kung okay lang sa iyo (Aguinaldo)," sabi ni FPJ habang kausap ang GMA-7 reporter.
Pumayag naman si Sandra sa naging pakiusap ni FPJ saka ito inakbayan ng hari ng pelikulang Pilipino.
"Tuloy ang pangako ko sa iyo Sandra na one-on-one interview mo sa akin," sabi pa ni FPJ.
Nilinaw din ni FPJ na walang kaugnayan sa pangyayari sa kanila ni Sandra ang biglang pag-uwi niya noong Huwebes ng gabi. Naka-schedule daw talaga siyang umuwi ng Manila dahil alas-9 ng umaga ng Biyernes ang kanyang appointment kay Ka Erdie Manalo ng Iglesia ni Cristo (INC).
Aniya, kinamusta lamang siya ng lider ng INC sa kanyang pangangampanya pero walang nangyaring endorsement ng nasabing religious group sa kanyang kandidatura.
Wika pa ni FPJ, siya ang humingi ng audience kay Ka Erdie Manalo at natapat naman na Biyernes ng umaga ito kaya kinakailangan niyang magmadaling umuwi noong Huwebes ng gabi pagkatapos ng rali sa Tigbauan patungong Maynila upang hindi siya mahuli sa kanyang appointment sa INC. (Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended