^

Bansa

Karapatan ng religious groups na mag-endorso ng kandidato pagdedebatehan

-
Isang oral argument ang itinakda ng Supreme Court (SC) upang alamin kung nararapat bang payagan ang Iglesia ni Cristo (INC), El Shaddai, Ang Dating Daan at Jesus Is Lord (JIL) na makasali sa pulitika at mag-endorso ng mga kandidato sa halalan.

Sa isang pahinang resolusyon ng SC en banc, nakatakda ang oral argument sa Abril 13, 2004 dakong alas-11 ng umaga sa SC session hall sa Baguio City.

Makikipagdebate sa mga abogado ng nasabing relihiyon ang party list group na Social Justice Society (SJS) na siyang naghain ng demanda dahil sa paniniwalang walang karapatan ang mga relihiyon na makihalo sa pulitika.

Pagbabasehan din ng Mataas na Hukuman sa kanilang gagawing paghatol sa naturang isyu ang mga argumentong ihahain ng bawat panig.

Nauna nang idinulog ng SJS ang demanda sa Manila Regional Trial Court (RTC) sa sala ni Judge Concepcion Alarcon-Vergara sa pamamagitan ng isang declaratory relief.

Sinabi ni Judge Vergara na walang karapatan ang mga relihiyon na mag-endorso ng kandidato sa halalan dahil lalabagin nito ang probisyon ng Konstitusyon.

Dahilan dito kung kaya’t umapela sina El Shaddai leader Mike Velarde sa SC at ang Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ni Eraño Manalo sa Court of Appeals (CA) subalit pinagsama na lamang ng SC ang kaso sa kanilang hurisdiksyon.

Kabilang din sa naatasan ng SC na humarap sa naturang debate ang leader ng mga nasabing relihiyon kabilang dito sina Velarde, Manalo, Eliseo Soriano at presidential candidate Eddie Villanueva. (Ulat ni Gemma Amargo)

ANG DATING DAAN

BAGUIO CITY

COURT OF APPEALS

CRISTO

EDDIE VILLANUEVA

EL SHADDAI

ELISEO SORIANO

GEMMA AMARGO

JESUS IS LORD

JUDGE CONCEPCION ALARCON-VERGARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with