^

Bansa

'Bagmen' ni Noli ikinanta ni Engle

-
Pinangalanan kahapon ng negosyanteng si Rafael Engle ang tatlong staff members ng Magandang Gabi Bayan (MGB) na umano’y kasama ng kanilang boss na si Noli de Castro na "nangotong" sa kanya ng P2 milyon noong 1995 kapalit ng "maganda at paborableng" report sa pagkawala ng kanyang asawa.

Sa ginanap na pulong sa lingguhang Kapihan sa Sulo Hotel, tinukoy ni Engle sina Reggie, Yvonne at isang Cesar Paterno na nagsilbi bilang mga tulay ni de Castro sa paghingi ng pera sa kanya, pero si Reggie anya ang direktang humingi sa kanya ng P2 milyon.

Napawalang-sala si Engle ng Manila Regional Trial Court noong isang taon sa kasong kidnapping na nag-ugat sa malisyosong report sa kanya ng MGB matapos siyang gawing suspek ni de Castro sa episode ng MGB sa pagkawala ng kanyang asawa. Ginamit naman ng NBI ang nasabing episode upang sampahan siya ng kidnapping.

Binalewala rin ni Engle ang akusasyon ng kampo ni de Castro na bahagi siya ng isang demolition job laban sa administration candidate. Ayon kay Engle, kalalabas lang niya sa kulungan noong isang taon at ginamit niya ang mga buwang lumipas upang ayusin ang kanyang buhay na sinira ni de Castro.

Muli ring hinamon ni Engle si de Castro na sabay silang kumuha ng lie detector test upang magkaalaman na kung sino ang nagsisinungaling.

"Definitely, it’s de Castro who will be caught with his pants down. I dare him to bring Reggie, Yvonne and Cesar with him so that we can all take the lie-detector test," hamon pa ni Engle.

Ang mapait na sinapit ni Engle ay nakarating sa kaalaman ng Pamilyang OFW-SME Network Foundation na tumutulong ngayon sa kanyang paghahanap ng hustisya. (Ulat ni Doris Franche)

CASTRO

CESAR PATERNO

DORIS FRANCHE

ENGLE

MAGANDANG GABI BAYAN

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

NETWORK FOUNDATION

RAFAEL ENGLE

REGGIE

SULO HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with