^

Bansa

Tulong ng US vs terorismo madaliin - Barbers

-
Nanawagan kahapon si reelectionist Senator Robert Barbers sa pamahalaang Estados Unidos na pabilisin ang pagtugon sa hiling na tulong ng bansa sa paglaban sa gawaing terorista dito.

Ginawa ni Barbers ang panawagan kaugnay ng anti-terror raid kamakailan sa apat na palapag na gusali ng Muslim tenement sa Cubao, Quezon City na pinagsususpetsahang bahagi ng isang terrorist cell na nag-ooperate sa Metro Manila.

Sinabi ng dating kalihim ng DILG na bigyang prayoridad ng US ang kahilingan ng bansa dahil ang banta ng Abu Sayyaf at kanilang ugnayan sa Jemmah Islamiyah ay natukoy na at ang panganib ng pag-atake ay nananatiling buhay. Hindi umano dapat na balewalain ng US ang Pilipinas dahil isa ito sa mga unang bansa sa Asya na nagpahayag ng pagsuporta sa laban nila sa terorismo.

Nagbabala din ang tagapangulo ng Senate committee on public order and illegal drugs na ang eksplosibong nakumpiska sa QC ay indikasyon ng terrorist plot na binabalak ng Abu Sayyaf sa malapit na hinaharap at ang gaganaping halalan ang tamang panahon para maghasik ng terorismo at pangamba sa mamamayan. (Ulat ni Rudy Andal)

ABU SAYYAF

ASYA

CUBAO

ESTADOS UNIDOS

GINAWA

JEMMAH ISLAMIYAH

METRO MANILA

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SENATOR ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with