^

Bansa

Dagdag-benepisyo sa senior citizens, ok na

-
Dagdag na benepisyo ang matatamo ngayon ng mga nakatatanda dahil sa tuluyang pagiging batas ng Expanded Senior Citizens Act of 2003 (RA 9257) na inakda sa Kamara ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar.

Sa ilalim ng bagong batas, ang mga indibidwal na may edad 60 taon pataas o kilala sa taguring "older persons" ay bibigyan ng 20 porsiyento na diskuwento sa mga hotel, restoran, lugar-libangan, pribadong ospital, sinehan, karnabal at mga katulad na etsabilisimiyento, pagbili ng gamot pati na sa pagpapalibing.

"The new law provides for the elderly as a way of sowing respect, gratitude and appreciation to the people who in the past were in the forefront of nation building, pahayag ni Villar.

20 porsiyento na diskuwento din ang ibibigay sa mga ito sa pasahe sa eroplano, barko, tren, Skyway at mga bus.

Maliban dito, bibigyan din ng pagkakataong makapagtrabaho at maghanapbuhay ang mga nakatatanda na malakas pa ang tuhod at katawan. Libre rin silang makapag-aral sa mga pribado at pampublikong paaralan sa bansa.

"RA 9257 will take care of the elderly in terms of employment opportunities, education, basic health and social services, housing and access to public transport. Kailangang ma-enjoy ng mga nakatatanda ang mga nalalabi sa kanilang buhay at mangyayari lamang ito kapag binigyan sila ng mga ganitong benepisyo," paliwanag ni Villar.

Hindi na rin magbabayad ng buwis ang mga nakatatanda na kumikita lamang ng P57,000 kada taon.

Kaugnay nito, itatatag ang Office for Senior Citizens (OSCA) na siyang mangangasiwa sa lahat ng mga pangangailangan at hinaing ng naturang sektor pati na ang pagsiguro sa epektibong implementasyon ng Magna Carta for Older Persons.

"Ipinapakita ng batas na ito ang tradisyunal nating kaugalian na pag-aalaga sa mga matatanda dahil gusto rin nating alagaan tayo kapag tayo naman ang umabot sa ganyang edad," sabi pa ni Villar. (Ulat ni Malou Rongalerios)

CONGW

CYNTHIA VILLAR

EXPANDED SENIOR CITIZENS ACT

LAS PI

MAGNA CARTA

MALOU RONGALERIOS

OLDER PERSONS

SENIOR CITIZENS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with