^

Bansa

COURAGE sumuporta kina Rasul, Roa sa leave ni GMA

-
Nagpahayag ng suporta kina KNP senatoriables Amina Rasul at Boots Anson-Roa ang grupong Confederation for the Unity, Recognition and Advancement of Government Employee (COURAGE), ang pinakamalaking samahan ng mga unyon ng government employees laban sa umano’y pagsasamantala ng nakaupong Punong Ehekutibo sa kapangyarihan ng pamahalaan at kaban ng bayan para matiyak ang kanyang panalo sa presidential elections.

Kasama sina Rasul at Anson-Roa, inilunsad ng COURAGE ang pambansang kilusang BANTAY-K4 na naglalayong labanan ang walang patumanggang paggamit ni Pangulong Arroyo ng pondo ng gobyerno at iba pang kagamitan para lamang maisulong ang kanyang pampulitikang ambisyong mapanghawakan ang kapangyarihan sa loob ng anim pang taon.

"Ang desperadong pagtatangka ni Pangulong Arroyo na magpatuloy sa pagiging ‘reyna’ lampas pa ng 2004 ay nangangahulugan lamang na ang nalalapit na presidential polls ay mababahiran ng malawakang bilihan ng boto at karahasan," ani Courage president Ferdinand Gaite.

Sa pamamagitan ng BANTAY K-4 na ibig sabihin ay Bantay Katiwalian, Korupsyon, Karahasan at Kataksilan, umaasa sina Raul at Roa na sa pakikipagtulungan ng mga kasapi ng Courage sa buong bansa ay epektibong mapangalagaan ang sagradong karapatan ng pagboto ng mamamayan at masupil ang anumang pagtatangka ng dayaan tulad ng dagdag-bawas na minaniobra ng kasalukuyang administrasyon. (Ulat ni Rudy Andal)

AMINA RASUL

ANSON-ROA

BANTAY KATIWALIAN

BOOTS ANSON-ROA

FERDINAND GAITE

KARAHASAN

PANGULONG ARROYO

PUNONG EHEKUTIBO

RECOGNITION AND ADVANCEMENT OF GOVERNMENT EMPLOYEE

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with