^

Bansa

Mosyon ni Ipe hinarang ng ex-gf

-
Hinarang sa Department of Justice (DoJ) ng dating girlfriend ng aktor na si Phillip Salvador ang kahilingan nito na mailipat sa Makati Prosecutors Office ang kasong estafa na kinakaharap nito.

Ayon kay Christina Castillo Decena, hindi dapat mailipat ang kasong estafa sa Makati Prosecution’s Office dahil malaki ang kanyang duda na mayroong koneksiyong opisyal ang nasabing aktor dito.

Sa preliminary investigation kahapon, naghain ng motion to remand ang kampo ni Phillip upang mapalipat ang nasabing kaso.

Sinabi ng abogado ng aktor na si Atty. Roberto Abad na walang basehan ang kasong isinampa ni Decena laban sa kanyang kliyente.

Hiniling pa rin ni Phillip sa prosecution na ipalabas agad ang resolution hinggil sa kanilang isinumiteng motion. Kasalukuyang nasa Amerika ang aktor.

Tiniyak naman ni State Prosecutor Susan Dacanay na anumang araw mula ngayon ay ipalalabas ang nasabing desisyon.

Magugunita na ipinasubpoena ng DoJ si Phillip upang pasagutin sa kasong kriminal laban sa kanya matapos na hindi maibalik ng aktor ang P15M na pinautang umano ni Decena na ginamit ng aktor sa pangangampanya noong ito ay tumakbong mayor ng Mandaluyong. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AKTOR

CHRISTINA CASTILLO DECENA

DECENA

DEPARTMENT OF JUSTICE

MAKATI PROSECUTION

MAKATI PROSECUTORS OFFICE

PHILLIP

PHILLIP SALVADOR

ROBERTO ABAD

STATE PROSECUTOR SUSAN DACANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with