Sa pamamagitan ng CWA na ika-23 sa batas na isinulong at ipinaglaban ni Jaworski sa Senate floor, matutukoy na ang depenidong regulasyon kung paano mabibigyang proteksiyon ang mga water ways sa buong bansa.
Ayon kay Jaworski, principal author ng CWA of 2004, masyado nang nasira ang maraming ilog, dagat at iba pang patubigan sa bansa dahilan sa kawalan ng kongkretong batas na nagtatakda para sa pangangalaga nito.
Sa ilalim ng CWA, natitiyak na ang kalidad ng tubig na itinatapon ng mga pabrika at iba pang establisimiyento ay hindi magiging sanhi ng matinding polusyon sa mga ilog.
Nakasaad din sa batas na ang mga water reservoir ng bansa na pangunahing pinagkukunan ng inumin ng mamamayan, partikular na sa Metro Manila, ay kailangang mas mahigpit na pangalagaan upang matiyak na hindi ito madadaluyan ng mga maruruming likido. (Ulat ni Rudy Andal)